Implementasyon ng mandatory ROTC, dadaan pa sa masusing pag-aaral ng kongreso – DepEd Bicol

BNFM BICOL – Dadaan sa masusing pag-aaral ng kongreso ang implementasyon ng Mandatory Reserve Officers’ Training Corps o (ROTC) sa pag-upo ni Presumptive VP Sara Duterte-Carpio.

Ito ang inihayag ni Regional Director Gilbert Sadsad sa panayam ng Brigada News FM Bicol sa posibleng pag-upo sa administrasyon ni Presumptive VP Sara Duterte kung saan hahawakan umano nito ng ahensya ng Edukasyon at iimplementa ang Mandatory ROTC sa mga estudyante.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Aniya, sinabi pa ni Sadsad na kung sakaling iimplementa ang ROTC ay susunod nalang ang kanilang ahensya ngunit dadaan pa ito sa masusing pag-aaral at pag-apruba ng mga opisyales at mga kongresista.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Samantala, nakahanda rin umano ang kanilang ahensya sa iba pang programa ng bagong uupong administrasyon.###