Inatasan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel si National Food Authority (NFA) administrator Roderico Bioco at si assistant administrator for operations Lemuel Pagayunan na mag-leave na muna sa trabaho.
Ito ay habang gumugulong pa ang imbestigasyon sa ‘di umano’y ilegal na pagbebenta ng NFA rice sa ilang mga piling traders.
Sabi ng Kalihim – paraan ito para matiyak ang pagiging patas sa pagsisiyasat, mula sa magkabilang panig.
Sa ngayon, inabisuhan na umano niya si Executive Sec. Lucas Bersamin sa nagpapatuloy na internal investigation.