Hinimok ng senior embassy officials ng Canada ang gobyerno ng Pilipinas na makipagtulungan sa imbestigasyon ng International Criminal Court sa drug war ng Duterte administration.
Sa isang briefing sa Indo-Pacific strategy, sinabi ng mga opisyal na ang karapatang tao ay importante sa kanilang foreign policy upang suportahan ang regional action on human rights bilang parte ng Indo-pacific strategy.
Binigyang-diin din ng mga ito ang kahalagahan ng accountability at dapat umanong sumunod ang Pilipinas sa international law,lalo na kung naniniwala ang bansa sa pagtataguyod ng United Nations Convention on the Law of the Sea sa usapin ng maritime dispute nito sa China.
Noong Enero 26, ipinagpatuloy ng ICC ang pagsisiyasat nito ang bloody drug war at Davao Death Squad killings sa Pilipinas.
