OOTD, jewelry ni Marian Rivera sa Preview Ball 2022 nagkakahalaga ng P5.5-Million

Agaw pansin na naman ang mga sout ng aktres na si Marian Rivera sa Preview Ball 2022.

Kabilang sa outfit of the day o OOTD ni Marian na may kabuoang P5.5-M ay ang kanyang suot na pink halter draped fringe dress mula sa Cult Gaia.

Ang tinaguriang Renata dress, na available sa online shop ng brand ay nagkakahalaga ng P133,100, na pinaresan nito ng pink Lupita heels mula sa Amina Muaddi na nagkakahalaga ng P37,270.20 sa Mytheresa.com.

Bumili rin ito ng Cult Gaia Pearl brown tortoiseshell bag, na nasa P24,300 sa CultGaia.com, habang ang kanyang iba pang accesories na Tilda’s Bow Double Pavé Diamond Drop earrings mula sa Graff, ay may presyo na aabot sa P2,766,074.50.

Ang tatlong iba pa ay Spiral Pavé Diamond Bangles na yellow gold at white gold, ay nagkakahalaga ang bawat isa sa P677,394.