Arestado ang isang online seller sa isinagawang anti-illegal drug operation ng mga otoridad sa isang hotel sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City noong gabi ng June 8, 2021.
Batay sa impormasyon na natanggap ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa PNP-Cauayan City, ang nahuling suspek ay itinago sa pangalang alyas “MJ”, 32 anyos, single at residente ng Mabini St. District 1, Cauayan City, Isabela.
Unang nagsagawa ng operasyon ang mga kasapi ng PNP Cauayan City katuwang ang Provincial Intelligence Unit ng IPPO sa pakikipag-ugnayan sa PDEA Region 2 na nagresulta ng pagkakaaresto ng suspek.
Nakumpiska mula sa kanyang pag-iingat ang isang plastic sachet na naglalaman bg hinihinalang shabu na may timbang na 0.05 gram na may estimated Dangerous Drugs Board value na 340.00 pesos.
Nakuha rin ang 1,000 peso bill na marked money, cash money na nagkakahalaga na 160 pesos at dalawang unit ng cellphone.
Sa pakikipag-ugnayan ng Brigada News Team sa suspek, mariing itinanggi niy.ang narekober na umano’y shabu.

Ayon sa kanyang salaysay, may kikitain lamang umano siya na bibili ng kanyang binebentang leche flan.
Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng PNP-Cauayan City si alyas MJ para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.