Online raffle sa Bataan, sinalakay ng PNP-ACG: Naturang operasyon, huli sa livestream

Ilang suspek kabilang ang operator ang arestado matapos salakayin ng PNP-Anti Cybercrime group ang isang online raffle habang naka live streaming pa ito kahapon ng hapon sa Brgy. Tenejoro, Balanga City, Bataan.

Sa inilabas na ulat ng PNP-ACG, inaresto ang mga suspek na kinilalang sina Mark Kevin Borbon Andrade, Jeffrey Gatbonton Siron, Cedric Oneal Obordo, Adrian Gregorio Diaz, Jerele Bautista Javier, Jedrick Ambrosio Siron, Leopoldo Baluyot Medina Jr., at John Daniel Calubayan , matapos isilbi ng kanilang mga operatiba ang Warrant to Search Seize Examine Computer Data.

Read More:  DOE open to proposal to remove VAT on electricity

Sa ikinasang operasyon, naaktuhan ang mga suspek na nagsasagawa ng online gambling at naka live pa ito sa facebook.

Read More:  4th Atin Ito Coalition civilian mission in the WPS declared successful

Nahaharap na ngayon sa kaukulang kaso ang mga suspek matapos makumpiska ang samu’t-saring ebidensiya tulad ng tambiolo, plastic ball na ginamit sa raffle at mga computer at electronic equipment.