Online payment sa business permits sa bayan ng Irosin, magsisimula na sa susunod na taon

Magsisimula na sa susunod na taon ang pagpapatupad ng online payment ng mga business permits sa bayan ng Irosin, Sorsogon.

Sa training at testing ng Department of Information ang Communication Technology o DICT, ipinakita nito ang kanilang cloud-based  software na Electronic Permits Business and Licensing system o e-BPLS na syang gagamitin sa online registration ng mga negosyo at online payment ng mga business permits. Gayun din anya ang online filing para sa new at renewal  ng mga business permits.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga
Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Ayon sa DICT sa pamamagitan ng nasabing online application ay mapadadali ang mga proseso ng mga business permit applications at payment. Iwas hassle din aniya sa posibleng haba ng pila ng mga magbabayad.