“One Rate One Province” na singil sa kuryente, planong isulong sa Pampanga

Planong ipatupad sa lalawigan ng Pampanga ang “one province one rate” na singil sa kuryente.

Sa pag uusap kahapon ng kapitolyo sa pangunguna ni Governor Dennis Pineda at mga myembro ng electric cooperatives sa lalawigan, para pag usapan ang kasalukuyang singil sa kuryente.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Umaabot kasi ng 8 hanggang 18 pesos kada kilowatt/hour ang singil sa kuryente sa Pampanga depende sa electric cooperative na nasasakupan.

Sa “one province one rate” na isinusulong ni Gov Pineda, layon nitong matulungan ang mga consumer pati na ang mga electric provider.

Sa tulong ng iba’t-ibang electric cooperatives, planong ipatupad ang energy aggregation kung saan magtutulungan sila para makabili ng supply ng kuryente sa mas murang halaga.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Nakatakda namang magpatawag ng panibagong meeting ang Kapitolyo kasama ang Energy Regulatory Commission (ERC) at mga nasabing cooperatives para ipaliwanag ang iba’t-ibang presyo ng energy distribution sa Pampanga.