One Hospital Command Center, handang tumanggap nang sabay-sabay na tawag

Handa ng tumanggap nang sabay-sabay na tawag ang One Hospital Command Center.

Sinabi ni One Hospital Command Center Operations Manager Dr. Bernadette Velasco, nasa 50 linya na ang bukas na maaaring tawagan ng sabay-sabay.

Malaking bagay aniya ito kumpara sa dati na nasa 10 hanggang 12 linya lamang.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Ayon kay Dr. Velasco, ang pagdaragdag ng mga linyang maaaring tawagan sa One Hospital Command ay bahagi ng paghahanda ng pamahalaan sa gitna ng banta ng Delta variant.

Inaasahan kasi na dadagsa ang mga tawag sa One Hospital Command, sakaling magkaroon na ng local o community transmission ng Delta variant sa bansa.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Ayon kay Dr. Velasco, direkta sa Department of Health (DOH) ang mga matatanggap na tawag mula sa mga indibidwal na naghahanap ng ospital para madala ang kanilang mga kaanak na pinaniniwalaang tinamaan ng virus.

Tiniyak naman nito na dumaan sa pagsasanay o training ang mga medical officers at mga call takers o mga tumatanggap ng tawag ng One Hospital Command Center.