Nagpadala ng rasyon ng tubig kahapon ang Olongapo City Government at Subic Bay Metropolitan Authority sa mga lugar na naapektuhan ng water interruption.
Sa Bgy. Barretto ay naghatid ang syudad habang sa Brent parking area at Beta St at Binictican Drive ay nagpadala rin ng SBMA trucks.
Ito ay kasunod ng mga anunsyo ng Subicwater na water interruption sa ilang mga lugar sa lungsod at Freeport dahil sa mga emergency leak repair.
Para matugunan ang mahina at kawalan ng suplay sa mga naapektuhang lugar ay naghatid na ang mga nabanggit na pamunuan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: Olongapo City Information Center
