Olivia Chow, uupo bilang kauna-unahang Chinese-Canadian Mayor ng Toronto, Canada

IDINEKLARA at nanalo sa eleksyon si Olivia Chow bilang kauna-unahang Chinese-Canadian Mayor ng Toronto, ang pinakamalaking lungsod ng Canada.

Sa natapos na Halalan 2023 nitong Hunyo 26, nangako ito na itutuloy ang mas progresibong paraan sa pagpapa-unlad ng lungsod, matapos ang mahigit na isang dekadang pagwakas sa tradisyunal na pamumuno dito.

Read More:  At least 27 killed after Fire engulfs beer hall in Thailand

Nanalo si Chow na may 37.2% na boto na nauna kay Ana Bailao na may 32.5%.

Samantala, pumangatlo naman ang dating city police chief na si Mark Saunders na nakakuha ng 8.6% . Magugunitang si Chow ay tumakbo taong 2014 bilang alkalde at pumangatlo lamang.

Read More:  Thousands evacuated in Taiwan as Typhoon ‘Bavi’ approaches

Gayunpaman, kabilang siya sa mga namahala sa panahon na mayroong malakihang kakulangan sa budget at isyung pangkaligtasan ng publiko na kinaharap ang lungsod.### HARLIN LUMIBAO, Intern