NAGA CITY –Dumalo si dating Bise Presidente Atty .Leni Robredo sa isang pagtitipon ng National Anti-Poverty Commission o NAPCI sa Naga City na kinabibilangan ng Naga City People’s Council at angm mensahe niya ay nag sentro sa kaniyang Naga’s Journey to Empowerment.
Ayon naman kay Lito Barbolino na siyang nahirang muling pangulo ng Urban Poor Federation ng lungsod , sinabi niyang walang politikang pinag-usapan sa pagtitipong iyon lalo na sa panig nilang nasa pederasyon dahil sa naisingit lamang sila sa okasyon sa pag-oathtaking na pinangunahan naman ni City Mayor Son Legacion.
Sa kanyang pahayag sa Brigada News FM Naga, sinabi niyang lahat ng kanilang mga hinihiling sa city government para sa kapakanan ng mga nasa urban poor sector ay naibibigay naman, kaya wala naman anya silang puwedeng maidaing na reklamo kay Robredo hinggil sa mga programa nila na suportado ng lokal na pamahalaan.