Pinaghahanda ng Oil Industry Management Bureau ang mga motorista sa nagbabadyang oil price hike na naman sa presyo ng produktong petrolyo sa darating na linggo.
Ayon kay OIMB Director Atty. Rino Abad nakikita na nila ang pag-akyat ngpresyo sa langis matapos ang paggalawa nito sa world market.
Sa pagtaya ni Abad humigit kumulang sa piso kada litro ang umento sa petrolyo at posibleng may galaw din sa Liquified Petroleum Gas o LPG.
Inihayag nito na dalawang bagay ang nakaka-apEkto ngayon sa galaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Paliwanag ni Abad una dito ay ang nagpapatuloy na kakalungan ng suplay mula sa mga oil producers na umaabot sa 1 million barrels per day.
Dinagdagan pa umano ito ng Russia-Ukraine crisis na nagpalala pa sa presyohan ng langis sa world market.
