SORSOGON CITY – Inihayag ng Casiguran Municipal Health Office na bukas na ang pagbabakuna nito para sa hanay ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na naka schedule nang lumabas ng bansa sa darating na mga buwan para sa kanilang mga trabaho abroad.
Sa panayam ng Brigada News kay Jocelyn Martillana, Pharmacy Incharge at Midwife sa MHO Casiguran, sinabi nito na kabilang na ang mga OFWs sa A1.8 Priorities sa pagbabakuna upang hindi maantala ang flight ng mga ito papalabas ng bansa upang magtrabaho.
Pahayag ni Martillana, tama lamang ang nasabing hakbang upang maibsan ang pagtaas ng mga nawalan ng trabaho o unemployed sa lalawigan dulot ng Covid- 19 pandemic.
Dahil rito, inaanyayahan ng ahensya ang mga OFWs sa lokalidad na agad nang maki- pag-ugnayan sa kani-kanilang barangay health centers upang magpalista para sa vaccination program.
