Isinasailalim ng Department of Agriculture-Agricultural Training Institute (DA-ATI) Bicol ang Eco Park Agri-Tourism Farm ng lokal na pamahalaan ng Legazpi City.
Ayon sa tanggapan, bina-validate na ang aplikasyon ng nasabing farm bilang Learning Site of Agriculture.
Aniya, ang parke ay pagmamay-ari at pinamamahalaan ng LGU na matatagpuan sa Sitio Agna, Brgy. Homapon, at ito ay may lawak na 4.39 na ektarya.
Ang sakahan ay may apat na 200-square-meter at bawat greenhouse ay tinaniman ng mga gulay tulad ng lettuce, pechay, bell pepper, cherry tomato, at pakwan gamit ang aquaponics technology.
Gayundin, mayroon itong plant nursery, fishery production area, at vermicomposting facility.