OCTA Research, nagbabalang posibleng tumaas ang COVID-19 cases sa Cebu

Nangangamba ngayon ang OCTA Research na maaaring tumaas ang mga kaso ng COVID-19 sa Cebu Province.

Ito ay matapos ang pag-adopt ng Pamahalaang Panlalawigan bilang isang ordinansa sa EO na tanggalin na ang mandatory na pagsusuot ng face masks sa outdoor areas.

Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David, nananatili pa rin naman sa low risk ang COVID-19 cases sa Cebu.

Sa kabila nito, mayroong naitalang bahagyang uptick sa mga kaso sa Metro Manila.

Hindi raw kasi nila inaalis ang posibilidad na mayroong ilang mga travellers sa pagitan ng NCR at sa Cebu at posibleng magkahawaang muli lalo na’t wala nang proteksyong magmumula sa face masks.

Read More:  Visayas grid to be placed under yellow alert

Samantala, muling nanawagn si David sa publiko na magpabakuna na hanggat libre itong ibinibigay ng pamahalaan.

Sa kasalukuyan kasi, nananatili pa ring mababa ang vaccination rate sa bansa lalo na sa booster.

Sakali man kasing alisin na ang state of public health emergency sa Pilipinas, maaari aniyang hindi na libre ang mga bakuna..

Una nang sinabi ng Department of Health na kapag i-lift na ang state of emergency sa bansa, mawawalan na ng bisa ang emergency use authorization o ang EUA na ipinagkaloob sa mga vaccine brands.

DILG, nanindigang mayroon nang pinal na desisyon ang Palasyo hinggil sa pananatili ng mask mandate

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

‘Nagsalita na ang Malacañang.’

Ito ang ginawang paninindigan ni Interior Secretary Eduardo makaraang maging isa nang ganap na ordinansa ang pagluluwag sa mask mandate sa Lalawigan.

Sa panayam, sinabi ng kalihim na mananatili pa rin ang mandatory na pagsusuot ng face masks kahit na ipinasa na ang local ordinance sa Cebu na hindi na required ang paggamit nito sa outdoor areas.

Ayon kay Año, ang ginawang hakbang na ito ni Governor Gwen Garcia ay mahigpit na ipinagbabawal sa batas lalo na’t hindi ito tumutugma sa national policies.

Giit nito, labag sa anti-graft and corrupt practices law ang pagbangga sa EO na nagmula kay Pangulong Rodrigo Duterte.
#