Nagbabala ang independent group OCTA Research na ang pagkakadetect sa bansa ng Omicron BQ.1, ang sublineage ng mas nakakahawang BA.5 subvariant, ay maaring magdulot ng pagtaas sa mga kaso ng COVID-19 at positivity rate.
Mababatid na 14 na mga kaso ng BQ.1 ang nadetect batay sa latest genome sequencing ng UP-Philippine Genome Center, Research Institute for Tropical Medicine, at San Lazaro Hospital mula October 28 hanggang November 18.
Una nang sinabi OCTA fellow Guido David, na maaring magsimula ang isa pang wave ng COVID-19 infections sa National Capital Region (NCR) dahil sa pagtaas ng positivity rate.
Ayon kay David na ang seven-day COVID-19 positivity rate sa NCR ay umakyat mula sa 7.4% noong November 15 sa 9.2% noong November 22.

Maliban sa NCR, napansin din umano ang pagtaas ng positivity rate sa Camarines Sur, Tarlac, Aklan, areas sa Western Visayas at Northern Luzon, La Union, Cordillera Region, Isabela, at Cebu.
Sinabi ni David na mino-monitor na nila ang BQ.1 dahil ito ay may ambag na 50% sa pagtaas ng infections sa United States (US). //MHEL PACIA