Eksperto- COVID vaccinations, paigtingin kasunod ng pagkakadetect ng BQ.1 sub-variant

Iminungkahi ni Dr. Rontege Solante, isang infectious disease expert na dapat paigtingin ang COVID-19 vaccinations, matapos madetect sa bansa ang BQ.1 sub-variant.

Paliwanag ni Solante, na itong sub-variant ay sub-variant ng BA.5 na naging dominant variant sa nakalipas na ilang buwan, at nanganganak ulit ng isang variant na mas nakakahawa.

Ibig sabihin, mataas talaga ang banta na kahit ang mga bakunado ya maaring makapitan ng infection.

Nagbabala rin ito sa mga immunocompromised individuals na mas maging maingat.

Samantala, sinabi naman ni Solante na isa sa mga dahilan kung bakit maraming COVID-19 vaccines ang nasasayang ay dahil maraming mga tao ay ayaw pang magpabakuna hanggang ngayon. //MHEL PACIA