Number 6 Regional Most Wanted Person at Number 2 Provincial Most Wanted Person and Number 1 Municipal Most Wanted Person arestado sa bayan ng Kalamansig

KALAMANSIG, SULTAN KUDARAT – HIMAS rehas ang isang lalaki na No. 6 Regional Most Wanted Person, 2nd Most Wanted sa Lalawigan ng Sultan Kudarat at Most Wanted Person sa bayan ng Kalamansig.

Naaresto ang isang lakaki na kinilalang si Alias “Mil” , 31 taong gulang, may asawa, magsasaka at residente ng Purok Isla Verde, Barangay Pag-asa, Kalamansig, Sultan Kudarat nito lamang Hunyo 19, 2024 eksaktong 11:43 ng umaga.

Sa isinagawang operasyon ng Kalamansig MPS (lead unit) kasama ang SK CIDG PFU, 2nd SKPMFC at RID 12 Tracker Team Delta sa nabanggit na lugar.

Naging matagumpay na naisilbi ang Warrant of Arrest laban sa suspek para sa krimen ng Apat na bilang ng panggagahasa o Rape na inisyu ni Hon. Samina Sampaco Macabando-Usman, Assisting Judge of Regional Trial Court, Branch 19, Isulan, Sultan Kudarat na may petsang April 11, 2024 na walang nirekomendang piyansa.

Ipinagbigay din sa kanya impormasyon ng dahilan ng kanyang pagka-aresto at ngayon ay nasa pangangalaga na ng mga awtoridad para sa tamang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *