NTF-ELCAC funds posibleng magamit sa Digital vote buying – Bayan Muna

Naniniwala ang ilang kongresista na dapat ay mabantayan ang mga kandidato ng administrasyon na pwedeng masangkot sa digital vote buying sa 2022 elections.

Sinabi ito ni Bayan Muna party-list Representative Ferdinand Gaite matapos ihayag ng Philippine National Police na pwedeng magawa ang vote buying sa panahon ngayon gamit ang cashless transactions.

Ipinunto ni Gaite na ang posibleng gumawa sa nasabing alegasyon ay ang kandidato na may malaking electoral war chest tulad ng administrasyong Duterte.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Iginiit ng kongresista na posibleng kunin ang pondo para sa digital vote buying sa Barangay Development Fund ng anti-communist task force ng gobyerno na posibleng lumobo sa susunod na taon.

Dagdag ni Gaite, pwedeng mai-release ang lump-sum ng pork barrel funds sa mga kaalyado ng administrasyon, na kalaunan ay magagamit sa vote buying.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Sa kabila nito ay tiwala naman si Gaite sa kakayahan ng mga Pilipino na pumili ng maayos na kandidato at tanggihan ang lumang tradisyon ng vote-buying.

Umaasa rin si Gaite sa mga “woke” na kabataan na tatanggihan ang ganitong klase ng maruming tradisyon at boboto na base lamang sa kwalipikasyon.