NTC, inatasan ang mga telcos na i-deactivate ang mga URLs sa mga scam messages

Naglabas na ng order ang National Telecommunicaitons Commission o NTC sa mga major telcos sa bansa na i-deactivate na ang mga clickable links sa mga text messages.

Sa gitna pa rin ito ng naglipanang mga smishing scam text messages kung saan ay mayroong ipinapadalang mga links at URLs, kalakip ang full name ng nais nilang ma-biktima.

Sa order ng NTC, pinapa-block na sa Dito, Globe at Smart ang mga links na maaaring mag-redirect sa mga malicous websites kung saan ay pag pinuntahan ng isang user ay maaaring maging threat sa kanilang mga impormasyon.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Sakop sa order ng deactivation ng domains ay ang mga URLs o ‘yung Uniform Resource Locators, mga shortened URLs kagaya ng TinyURLS at iba pang mga Smart Links, pati na rin ang mga ipinapadalang mga malisyosong QR Codes.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Inatasan namang magsumite ng report ang mga telcos sa September 16.

Sa kasalukuyan, tuluy-tuloy pa rin ang imbestigasyon ng Philippine National Police, at National Bureau of Investigation sa mga naturang scam messages.

Sa pagdinig sa Kongreso, isiniwalat ni Department of Information and Communications Technology Secretary Iban Jhon Uy na posibleng mayroong international syndicate na nasa likod ng mga talamak na smishing.
#