NPA na nabihag sa engkwentro sa Masbate, hinainan ng kanyang standing warrant of arrest

Hinainan sa loob ng hospital ward ang rebelde na nasugatan at nabihag ng tropa ng pamahalaan matapos ang nangyaring engkwentro noong Pebrero 9 sa Brgy Guiom, Cawayan, Masbate.

Nabatid na si Jimuel Dublen Naraja, 35-anyos, may asawa at naninirahan sa nasabing barangay ay may standing warrant of arrest sa kasong paglabag sa RA 9851 o Crimes Against IHL, Genocide and other Crimes against Humanity na may itinakdang piyansa na P200K.

Read More:  CHMSU graduate tops Army officer candidate class ‘Talagilab’

Ang warrant of arrest ay ibinaba ng RTC Br 48, 5th Judicial Region, Masbate City na may petsang Agosto 6, 2021.

Read More:  Authorities seize ₱105.9M in alleged smuggled cigarettes in Zamboanga del Sur

Si Naraja ay nabihag ng tropa ng pamahalaan matapos ang 20-minuto na palitan ng putok kung saan nasapol ito ng bala sa kanang paa.

Sa nasabing engkwentro, lima sa kasamahan ni Naraja ang nasawi habang tatlo pa ang nabihag.