NPA lider, patay sa engkwentro sa Sorsogon

Patay ang kinikilalang lider ng New People’s Army sa nangyaring engkwentro sa Brgy Boton, Casiguran, Sorsogon.

Kinilala ang nasawi na si Fernando De Marquez Dialogo alias Karen, lider ng Platun 1, Sentro De Gravidad (SDG), Kilusang Larangan Gerilya 1, Sub-Regional Committee 3 ng Bicol Regional Party Committee (BRPC) at residente ng Brgy lapinig, Gubat, Sorsogon.

Ayon sa inisyal na report, nakasagupa ng tropa ng 31IB, SPPO, RIU5, 504th Maneuvr Coy at ng RMFB5 ang aabot sa mahigit-kumulang 13 rebelde na tauhan ni Dialogo dakong alas 7:30 ng umaga kahapon sa nasabing lugar.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang M16 rifle, communication device na may battery, 2 molotov, bandoliere, backpack, mga gamot at iba pang personal na gamit ng mga tumakas na rebelde.

Matatandaan na noong Nobyembre ng nakaraang taon, isa si Dialogo sa sisilbihan sana ng warrant of arrest sa kasong attempted murder sa Brgy Tigbao, Casiguran subalit nauwi ito sa engkwentro na naging dahilan ng pagkasawi ng rebel returnee na si Caesar Garces Groyon alias Poloy habang nakatakas si Dialogo at dalawa pa nitong kasamahan sa hukbo.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Samantala, patuloy naman ang paghimok ng gobyerno sa lahat ng mga rebeldeng kasalukuyan pa ring bahagi sa maling pakikibaka na sumuko na at tuluyang magbalik-loob sa pamahalaan.