BFAR Bicol muling nagbabala VS “Devil Crab”; mga bayan na mayroon nito sa Camarines Sur, tinukoy ng ahensya

NAGA CITY –Muling nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Bicol na bawal kainin ang Devil Crab o ang uri ng alimango na nakakalason.

Sa panayam kay Nilo Consuelo, Chief Production on Support Services Division ng BFAR Bicol, sinabing hanggat maaari kung hindi sigurado o hindi pamilyar sa nahuling alimango, huwag nang isapalaran ang buhay.

Read More:  Two farmers die in sulif ritual over land dispute in Sarangani

Ang devil crab na may scientific name na zozymus aeneus ay may neurotoxins, tetrodoxin at saxitoxin ang katawan na nakakalason sa tao maging sa ibang uri ng hayop. Batik-batik na mapula-pula o brown ang kulay ng shell nito, at ang mga galamay ay mabalahibo.

Dagdag pa ng opisyal, maging sa paglilinis ng mga nahuhuling isda o mga pagkaing dagat ay dapat na siguraduhin lalo na’t may pangyayari sa bayan ng Presentacion, na matapos makain ng isang malaking pusit ang devil crab namatay din ito.

Read More:  Man arrested in Maguindanao del Sur over alleged murder of LGBTQ individual in Davao City

Mayroon ding devil crab sa sa bayan ng Presentacion, Caramoan, Lagonoy, San Jose at iba ang tinukoy din ng ahensya sa lalawigan bilang pagpapalawig pa ng kamalayan hinggil sa devil crab o alimangong nakakalason.