Emosyunal si Dallas Mavericks legend Dirk Nowitzki sa isinagawang jersey retirement ceremony sa American Airlines Center.
Pinangunahan ang naturang seremonya nang mismong team owner na si billionaire Mark Cuban.
Isinabit sa rafters ng American Airlines Center ang no. 41 jersey ni Nowitzki na naglaro sa Dallas simula 1998 hangang 2019.
Iginiya ng German ang koponan sa dalawang NBA Finals noong 2006-07 at 2010-11 season kung saan nakuha nito ang unang kampeonato para sa Dallas.
Nagtapos ang karera ni Nowitzki na nasa ika-anim sa all-time scoring list ng liga.
