Notoryus umanong magnanakaw sa Narra, nahuli sa akto

Huli sa akto ang isang magnanakaw habang nasa loob ng bahay ng kanyang biniktima sa Santolan Street Barangay Poblacion Narra, Palawan.

Kinilala ng mga Barangay tanod ng Poblacion ang suspek na si Recky Lopez Marquez, 32 anyos,habang ang may-ari ng bahay ay si Balong Cervancia.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Sa ulat ng Barangay, naaktuhan ng biktima suspek na papatakas na subalit mabilis itong nasakote ng may-ari ng bahay

Tinarget umano ng magnanakaw ang panabong na manok, batya at bakal na paso sa bahay.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Sa record ng barangay, si Marquez ay notoryus na sa reklamong pagnanakaw at may reklamo rin di umanong pang-hihipo sa kababaihan.

Samantala, ang suspek ay nahaharap sa panibagong reklamo habang ito ay nasa kustodiya ng Narra PNP.