Barangay Tanod sa Milaor, Camarines Sur nalunod!

NAGA CITY – Patay ang isang Barangay Tanod nang aksidenteng mahulog sa ilog sa Milaor, Camarines Sur.

Ayon sa ulat, kinilala itong si Arnulfo Aguirre, 63-anyos ng Barangay San Vicente naturang bayan.

Kwento ng mga nakasaksi, naka-inom umano ang biktima at nagpapahangin sa tabi ng ilog nang aksidenteng nadulas umano ito at tuluyan nang nahulog sa ilog.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Marunong umanong lumangoy ang biktima, subalit dahil na rin sa lakas ng current sa ilalim ng ilog, hindi na ito naka-ahon pa.

Napag-alaman naman ng Brigada News FM Naga kay Edwin Olitoquit MDRRM Officer ng Milaor, Camarines Sur, Enero 8 nang ma-ireport sa kanilang tanggapan ang nangyari kay Aguirre kung kaya hindi nag-atubili ang grupo at kaagad nagsagawa ng Rescue Operation, subalit bigo ang mga ito na mahanap ang biktima.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Kaninang umaga isang retreival operation ang muling isinagawa ng MDRRM-Milaor, Philippine Coast Guard, PNP, EDMERO at mga Volunteer group kung saan, natagpuan na nila ang palutang-lutang na bangkay ng biktima sa ilog na sakop ng Barangay Sabang, lungsod ng Naga.