Notice for disqualification ipapadala na ng COMELEC para sa mga pasaway na Kandidato ng 2023 BSKE

Umaabot na sa halo 3000 ang naisyuhan ng Commission on Elections (COMELEC) ng show cause order dahil sa paglabag sa pre-campaigning ng ilang kandidato.

Sa panayam ng Brigada News FM kay COMELEC chairperson George Garcia, sinabi nito na 500 sa nasabing bilang sumagot ngunit patutunayan ng Komisyon na seryoso sila sa pagsusulong ng kasong disqualification sa mga pasaway na Barangay at Sangguniang Kabataan candidates.

Mariing sinabi ni Garcia na itutuloy nila ang mga criminal case sa mga mapapatunayang lumabag sa batas na kanilang ilalabas ang listahan bago ang election sa Oktubre 30.

Sa ngayon, bukod sa pag-isyu ng SCO ay inaaral rin ng COMELEC ang mga posibleng magiging problema sa misamong araw ng halalan para mapaghandaan at maaga pa lamang ay makaisip na ng mga solusyon para walang aberya sa botohan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *