Nanindigan si Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel na kinakailangan nang bigyan ng financial aid ang mga learners para matulungan ito sa eskuwela.
Ito ang naging reaksyon ng mambabatas sa gitna ng naging order ni Vice President and Education Secretary Sara Duterte na hindi na muna ire-require ang pagsusuot ng school uniforms para makatulong na mabawasan ang gastusin ng mga magulang sa panunumbalik ng eskwela.
Sinabi ng Kabataan na bagamat makatutulong naman ito – ‘tip of the iceberg’ laang ito ng mga proglema ng mga magulang at mga learners.
Aniya, mula pa naman noong 2010 ay hindi na talaga mandatory ang pagsusuot ng uniporme ngunit hindi naman nito nasiguro ang accessible na edukasyon para sa lahat.
Ipinaliwanag nitong makailang beses nang nagtaas ang matrikula.
Sa nagdaang academic year, nag-average umano sa 10.61% ang itinaas sa mga school fees; habang may average na 4.74% ang itinaas ng tuition fee.
Matatandaaang una nang inihain ng Kabataan party-list ang House Bill 252 na layong bigyan ng P10,000 na ayuda ang mga learners lalo na sa mga naapektuhan ng pandemya at iba pang mga kalamidad sa bansa.
#