‘No sailing policy’, maaaring ideklara ng PCG Bicol para sa mga barko at mangingisda duloy ng sama ng panahon sa Albay

Wala pa sa ngayong idinideklara ang PAGASA na babawalan ang mga barko at mangingisda na maglayag dahil sa kalmado pa umano ang karagatan.

Ayon kay Commander Jeffrey Collado, head ng PCG Albay, ngayong araw ay posible ring maglabas ng advisory tungkol sa ‘no sailing policy’ kung makaranas ang lalawigan ng Albay ng malakas na pagbuhos ng ulan o sama ng panahon dahil sa low pressure area (LPA).

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Batay sa kanilang monitoring, tahimik ang karagatan at may mga pag-ulang mararanasan ang ilang bahagi ng Bicol ngunit hindi naman ito tatagal, kung kaya’t nakakapagbyahe pa ang mga barko sa mga pantalan.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Dagdag pa nito, wala pa silang naitatalang stranded na pasahero sa mga pantalan sa lalawigan.

Sinabi ng opisyal, pinag-iingat na rin ang mga mangingisda na tutungo sa karagatan dahil sa LPA.