No. 1 RMWP ng PRO5, arestado

Arestado ang Rank 1 Regional Most Wanted Person sa bayan ng Magallanes, Sorsogon sa kasong murder at paglabag sa RA 10591 o illegal possession of firearm and ammunition sa isinagawang service of warrant of arrest ng Magallanes PNP katuwang ang iba pang yunit ng SPPO, umaga noong Enero 2, Brgy Binisitahan Sur ng nasabing bayan.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Kinilala itong si Gil Grutas Buising, 41-anyos, may asawa, magsasaka at naninirahan sa Sitio Binalyuhan, Brgy Caditaan ng nasabing bayan.

Naaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC Br 65, Bulan, Sorsogon.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Si Buising ay nahaharap sa kasong murder na walang itinakdang piyansa at paglabag sa RA 10591 na may inirekomendang piyansa na P120K.

Nasa kustudiya na ito ng Magallanes PNP para sa kaukulang disposisyon.