NFA Sorsogon, umapela sa mga magsasaka na iwasan ang pagbibilad ng palay sa mga kalsada

Umapela ang National Food Authority (NFA) Sorsogon sa publiko partikular na sa mga magsasaka na hangga’t maaari ay iwasan ng mga ito ang pagbibilad ng palay sa mga kalsada.

 Paliwanag ni NFA Sorsogon-Masbate Branch Manager Julie Llanaresas bukod kasi sa ang nasabing aktibidad ay puwedeng maging sanhi ng aksidente sa mga motorista, mayroon din itong hindi magandang epekto sa kalidad ng bigas.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Anya kapag kasi paulit-ulit na nadadaanan ng mga sasakyan ang mga butil ng palay ay madudurog ang mga ito kung saan kapag giniling ay hindi na maganda ang kalidad ng bigas.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Gayunpaman sinabi ni Llenaresas na dahil sa kakulangan ng mga solar dryers ang pagbibilad ng palay sa mga kalsada ay talagang hindi naiiwasan kung saan kanya ding inihayag na bukas para sa mga magsasaka ang bisinidad ng NFA Sorsogon para pagbiladan ng kanilang mga palay.