NFA Bicol, nakapagtala ng mahigit 80,000 bags ng bigas batay sa kanilang rice inventory

LEGAZPI CITY – Nakapagtala ang National Food Authority (NFA) Bicol ng mahigit 80,000 bags ng mga bigas batay sa kanilang rice inventory ngayon.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay NFA Bicol Spokesperson, Jahara Pavilando, sinabi niyang patunay itong hinding-hindi magkukulang ang kanilang ahensya pagdating sa suplay ng bigas lalo na’t nag-uumpisa na ang tag-init.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Aniya, nakapagtala rin rin sila ng mahigit 36,000 bags ng mga palay batay din sa kaparehong inventory. Pahayag ni Pavilando, nagpapatuloy pa rin ang kanilang milling operations, kung kaya’t madadagdagan pa ang bilang ng mga palay.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Ang target nila umanong procurement ng bigas ngayong quarter ay 9,000 bags, kaya’t patuloy din ang pagpapalakas nila sa mga operasyon at sa pakikipagtulungan sa mga magsasaka maging sa mga LGUs.

Inaabisuhan ni Pavilando ang publiko na huwag mabahala, dahil hindi naman magkukulang ang suplay nila ng bigas ngayong tag-init.