NFA Albay, mag-aabiso na lamang tungkol sa bentahan ng palay mula sa mga rehistradong magsasaka

LEGAZPI CITY – Inihayag ng National Food Authority (NFA) Albay na mag-aabiso na lamang sila ng eksaktong petsa ng magiging bentahan ng palay mula mismo sa mga rehistradong magsasaka sa lalawigan.

Ang panawagang ito ay ayon mismo kay NFA Albay Assistant Manager Jennilyn Celestial Ito ay matapos lagdaan ang Memorandum of Agreement para sa Palay Marketing Assistance Program for Legislators and Local Government Units (PALLGU) ng NFA Bicol, kasama ang Provincial Government sa pangunguna ni Atty. Edcel Grex Lagman, at iba pang mga tauhan.

Read More:  Man leaves suspected explosive before blast at Legazpi STL outlet

Sa ilalim ng PALLGU program, ang PGA ay magdadagdag ng premium na PHP3 kada kilo sa NFA Palay Buying Price.

Read More:  Canopy 25 project in Kidapawan reaches 4 million trees planted

Ang makabuluhang hakbang na ito ay naglalayong suportahan ang sektor ng agrikultura at tumulong sa pag-angat ng buhay ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng karagdagang kita, at tumulong sa pagbuo ng buffer stock ng gobyerno para sa pamamahagi sa mga oras ng kalamidad o emerhensiya.