29 fire incidents, naitala sa Legazpi City ngayong taon

LEGAZPI CITY – Naitala ang 29 na mga kaso ng sunog sa lungsod ng Legazpi sa loob ng 5 buwan ngayong taon ayon mismo sa Bureau of Fire Protection (BFP) Legazpi.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay CINSP. Marc Allan Consuerga, City Fire Marshall, sinabi nitong karamihan sa mga sunog na naitala ng kanilang tanggapan ay pawang mga residential.

Read More:  20-year-old caretaker killed in Cebu robbery case

Sinabi rin ni Consuerga na mayroong programa ang kanilang ahensya upang mapigilan ang pagdami ng kaso ng mga sunog sa lungsod.

Aniya, nagsasagawa sila ng pagbisita sa mga barangay, kung saan nagbibigay sila ng awareness lecture sa mga residente tungkol sa mga sunog at kung paano sila makikiisa sa pagsugpo nito.

Read More:  68-year-old Cebu grandfather jailed over alleged begging freed after viral story

Ayon pa kay Consuerga, ang mga kasong ito ay dahil rin sa iba’t ibang mga dahilan.

Paglilinaw niya, 3 ang mula sa vehicular fire, 20 naman sa residential fire, at ang ilan umano ay grassfire, storage, mercantile fire incidents.

Samantala, ayon naman sa BFP Bicol, 63 mga kaso ng sunog ang naitatala ng kanilang ahensya sa buong Bicol Region.