NFA Albay, inimbitahan sa joint sectoral consultation meeting upang pag-usapan ang bigas at iba pang food staples

LEGAZPI CITY – Inimbitahan ng Provincial Agricultural and Fishery Council (PAFC) ang National Food Authority (NFA) Albay para sa Joint Sectoral Consultation Meeting upang pag-usapan ang bigas at iba pang food staples.

Ang pagpupulong ay dinaluhan naman ni NFA Albay Acting Assistant Branch Manager Marlon Mateum, Acting Supervising Grains Officer Aireen Poyatos, at Procurement Team Leader Florante E. Reason.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Sa talakayan, binanggit ni Poyatos ang status ng inaprubahang kasunduan sa pagitan ng Palay Marketing Assistance Program for Legislators and Local Government Units (PALLGU) ng Malinao at NFA Albay Branch Office.

Humingi naman ng tulong si Acting SGO Poyatos sa mga dumalo sa paghikayat sa mga lokal na magsasaka na ibenta ang kanilang palay sa NFA para sa buffer stock.

Read More:  20-year-old caretaker killed in Cebu robbery case

Pagkatapos ng nasabing pagpupulong at nagbigay ibinigay naman ang certificate of appreciation mula sa regional office para sa tulong na ibinigay sa ceremonial turnover ng 10,000 bags of rice donation sa Albay na donasyon ng Gobyerno ng Japan sa pamamagitan ng ASEAN Plus Three Emergency Rice Reserve (APTERR).