Ninorpresa ni Neri Naig ang kanyang asawang si Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda, sa pamamagitan ng pagbibigay nito ng yate para sa kaarawan ng vocalist.
Ang vessel ay mayroong bedroom, mini living room at restroom.
Kaugnay nito, inilista rin ni Naig ang ilang mga bagay na plano nilang gawin sa bagong vessel, kabilang na ang pangingisda, at pagpaparenta nito sa mga gusto ring mamasyal sa karagatan.

Ibinunyag rin nito na pinangalanan nilang mag-asawa ang kanilang yate na si Margarita, dahil hindi pa naman umano nila sinasalubong ang kanilang baby girl. //MHEL PACIA-TRINIDAD