Neri Miranda, nagbahagi ng cryptic post matapos ang tweet ni Chito Miranda

Usap-usapan ngayon sa social media ang cryptic post ni Neri Miranda, ilang oras matapos mag-tweet ni Chito Miranda.

Ibinahagi ni Neri ang litrato ng isang bintana na basa ng ulan, kung saan ay may poetic caption ito na, “Tag ulan na talaga. Maraming pumapasok sa isipan mo kapag ganito ang panahon.”

Dagdag niya, “Minsan napapaisip ka.. kahit ginagawa mo na ang lahat, parang hindi pa rin sapat. May kulang pa ba? (sad emoji)”

Ibinahagi ito ni Neri matapos mag-post ni Chito ng litrato ng broken heart sa Twitter.

Sa post ni Chito ay sinabi niya, “I thought nothing would change and everything is so ok … but why doesn’t it seem like before?”

Merong fans ang nag-alala sa relasyon nina Chito at Neri, ngunit may iba naman ang nagsabi na posibleng may kinalaman ito sa bagong kanta na binubuo ng bokalista ng “Parokya ni Edgar”.