Negosyante binaril na, inagawan pa ng motorsiklo!

PATAY ang isang 21 anyos na negosyante matapos na ito ay pagbabarilin ng di nakilalang suspek habang minamaneho nito ang kanyang motorsiklo pasado alas kwatro ng hapon kahapon sa Barangay Dapiawan, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.


Kinilala ng mga otoridad ang biktima na si Wilfredo Rivera na taga Barangay Bialong, Mlang, North Cotabato at nagtamo ng isang tama ng bala sa pisngi.

Read More:  Construction worker shot dead outside home in Negros Occidental


Maswerteng hindi naman tinamaan ang kasintahan nito na angkas din ng motorsiklo ngunit nagtamo ito ng pasa sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.


Sa inisyal na report, matapos na mabaril ang biktima ay sapilitang tinangay ng mga suspek ang kanyang RS 125 na motorsiklo at tumakas papalayo sa crime scene.

Read More:  Veteran broadcaster found dead inside parked car in Cebu City  


Mangiyak-iyak naman ang kasintahan ni Rivera sa sinapit nito.

Nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng Datu Saudi Ampatuan PNP sa insidente.