NEDA sa publiko: Beware vs fake emails nagso-solicite ng crypto

Nagbabala ang National Economic and Development Authority (NEDA) sa publiko laban sa mga swindlers na nagpapanggap bilang mga opisyal ng kanilang ahensya at nanghihingi ng pera mula sa publiko gamit ang pekeng email accounts.

Read More:  DILG offers ₱50 million reward for Bato dela Rosa’s arrest

Kaugnay nito, nanawagan ang NEDA sa publiko na i-double-check ang email addresses, dahil ang kanilang official accounts ay nagtatapos sa @neda.gov.ph.

Paglilinaw ng ahensya, hindi nagsosolicite ang NEDA ng cryptocurrencies at related requests para sa digital payments.

Read More:  DOTr orders two Manila bus terminals to explain violations

Ito ay matapos maiulat ng NEDA may mga pekeng email accounts na nag-iimpersonate bilang mga opisyal partikular bilang si Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua. // MHEL PACIA