Nakatanggap ng mahigit 105 million na tulong mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC ang ilang rehiyon na naapektuhan ng pagbaha dahil sa shear line rains noong Disyembre
Sa pinakahuling ulat ngayong araw, sinabi ng NDRRMC na nakatanggap ng tulong ang Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao, at Caraga Regions.
Ang tulong ay binubuo ng family food packs, emergency shelters, hygiene kits, blankets, bottled water, at iba pang relief items.

May kabuuang 681,500 katao o 170,978 pamilya sa 1,133 barangay ang apektado ng shear line.
Mayroon naman naiulat na 52 nasawi, kung saan 13 ang nakumpirma at 39 pa ang bineberipika ang pagkakakilanlan.//CA