NDRRMC chair: Pagiging resilient lang vs kalamidad – ‘di sapat

Binigyang-diin ni National Disaster Risk Reduction and Management (NDRRMC) chairperson at Department of National Defense (DND) officer-in-charge Jose Faustino Jr. na hindi sapat ang pagiging ‘resilient’ lang, sa kabila na wala umanong duda na ang mga Pilipino ay naturally resilient, dahilan na nakakaya nitong tumayo sa mga kalamidad at iba pang sakuna na tumatama sa bansa.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Para kay Faustino, mas mahalaga na alam ng publiko kung papaanu paghahandaan at reresponde sa oras na may tatamang kalamidad.

Mababatid na ang Pilipinas ay laging tinatamaan ng mga natural disasters dahil sa geographical location nito, na nasa west ng Pacific, kung saan maraming nabubuong tropical cyclones, maraming active volcanoes, at napapalibutan ng tectonic plate subduction zones.

Read More:  TOWNS Foundation expresses disappointment over Sen. Legarda’s political move

Kaugnay nito, mayroong limang major fault systems sa bansa na matatagpuan sa buong western, central, at eastern Philippines, Southern Mindanao, at sa Marikina Valley. //MHEL PACIA