DOJ: Prosecutors, most competent na maglitis at magresolba sa Lapid murder case

Binigyang diin ng Department of Justice (DOJ) na ang National Prosecution Service (NPS) ay ang best venue para isettle ang murder case sa broadcaster na si Percy Lapid.

Ang pahayag ni DOJ spokesperson Mico Clavano, ay matapos ang paghahain ni Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag, ang umano’y mastermind sa pagpatay kay Lapid, ng motion to transfer sa naturang imbestigasyon mula sa DOJ, na parent agency ng National Prosecution Service, papunta sa Ombudsman.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Ayon kasi sa abogado ni Bantag na si Atty. Rocky Balisong, ang Ombudsman ang may primary jurisdiction kaugnay sa suspended BuCor official batay sa Article 11, section 13 ng Konstitusyon, na nagsasaad na ang kapangyarihan, functions, at duties ng opisina.

READ MORE:

Una nang sinabi ni Justice secretary Crispin Remulla na ang naturang hiling ay malabo.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Giit kasi ni Clavano, na dahil sa nature ng kaso na murder, hindi ito nasa ilalim ng expertise ng Ombudsman, na kadalasang humahawak sa exclusive jurisdiction ng Sandiganbayan.

Ang mga kasong ito ay may kaugnay sa korapsyon, graft, bribery, malversation, at paglabag sa code of ethics ng mga empleyado ng gobyerno. //MHEL PACIA