NCRPO, tiniyak na hindi nakasalamuha ng mga rallyista ang mga pulis nito na infected ng COVID-19

Tiniyak ng hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO), na hindi nakasalamuha ng mga rallyista ang 51 pulis, na nagpositibo sa COVID-19, ngunit na-deploy para sa State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Police Major General Vicente Danao Jr. na nanatili ang mga nasabing pulis sa University of the Philippines-TechnoHub sa Diliman, Quezon City kung saan ay naghihintay sila ng kautusan.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Ipinunto ni Danao na naka-standby lang ang mga pulis sa nasabing lugar at handang rumesponde sakaling magkaroon ng gulo.

Iginiit naman ng NCRPO chief na dumaan sa COVID-19 testing ang mga pulis na nakasalamuha ng mga rallyista.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Kung maalala ay inamin ng pulisya sa isang press briefing na nagpositibo sa COVID-19 ang 51 personnel mula sa QCPD Police Station 3, na dineploy para magbantay sa SONA.

Ginawa ang kanilang tests dalawang araw bago mag-SONA, ngunit naisapubliko lamang ang mga resulta nitong Miyerkules.