NCR police na nakasuhan dahil sa illegal na droga, lagpas isang-daan na

Mismong si Pangulong Bongbong Marcos ang nag-ulat na umabot sa 177 na mga pulis sa National Capital Region o NCR ang nakasuhan dahil sa mga paglabag na may kinalaman sa illegal na droga.

Read More:  Sen. Bato still not allowed virtual Senate attendance

Sa isang video message, sinabi ng Pangulo na kabilang sa mga kasong ito ay pagtatanim ng ebidensya, unlawful arrest, at excessive violence.

Sa ngayon merong naisampang 151,818 na kaso ang DOJ sa korte noong 2022 hanggang 2023, kung saan 121, 852 dito ang nakulong na.

Read More:  Sen. Bato’s camp calls for respect for ex-PNP chief’s human rights

Ayon pa sa Punong Ehekutibo, hindi lang anya ito magandang numero, kundi magandang improvement din sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga.