NCAA: Amores officially removed na mula sa JRU basketball program

Opisyal nang tinanggal ang student basketball player na si John Amores mula sa men’s basketball team ng Jose Rizal University (JRU) sa harap ng kanyang marahas na punching spree sa NCAA Season 98 game.

Ayon sa paaralan, na matapos ang special inquiry, nagpatupad sila ng karagdagang parusa kay Amores, bilang bahagi umano ng internal processes sa disiplina na kailangang iobserba sa paaralan.

Read More:  Spain beats Argentina to win 2026 FIFA World Cup title

Una nito, si Amores ay indefinitely suspended ng parehong NCAA at JRU, matapos suntukin ang apat na mga manlalaro ng De La Salle-College of St. Benilde sa final minutes ng kanilang laro noong November 8.

Read More:  Spain beats Argentina to win 2026 FIFA World Cup title

Pero napagdesisyunan umano ng unibersidad na pormal nalang itong  tanggalin mula sa men’s basketball team, at hindi na bahagi ng anumang sports program ng JRU.

Sa ngayon, nahaharap si Amores ng reklamong physical injury mula sa Blazers. //MHEL PACIA