NBI, nakatakdang magsagawa ng ‘clearance mobile processing’ sa lalawigan ng Catanduanes

CATANDUANES— Inanunsiyo ng National Bureau of Investigation na nakatakdang magsagawa ang kanilang tanggapan ng ‘mobile processing’ ng NBI clearance sa islang lalawigan ng Catanduanes.

Isasagawa ang naturang aktibidad ngayong darating na Setyembre 28 hanggang 29 sa Virac Sports Center.

Kaugnay nito, inilatag ng NBI ang mga kaukulang dokumento na kinakailangang i-presenta ng mga indibidwal na kukuha ng kanilang clearance, maging ang step by steP process na kailangan nilang gawin.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Batay sa facebook post ng tanggapan, ipinapayo nila  sa publikong mag register o gumawa muna ng account sa kanilang website na www.clearance.nbi.gov.ph.

Maghanda rin ng dalawang valid government ID’s gaya ng Philsys ID; PhilHealth ID; TIN ID; Voter’s ID at iba pa. Tandaan ang schedule ng appointment, at susunod ang pag process ng kanilang bayad sa pamamagitan ng bank over the counter, online banking, at maaaari din ang mobile payment kagaya ng GCash.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Paalala ng NBI, dalhin ang dalawang valid ID, at payment receipt o resibo bago magpunta sa Virac Sports Center.

Ang naturang aktibidad ay malaking tulong sa mga Catandunganon upang hindi na sila pumunta pa ng mainland Bicol para kumuha ng nasabing dokumento.###