NBI, iniimbestigahan na ang mga fingerprints ni Mayor Guo at ang Chinese national na si Guo Hua Ping

Iniimbestigahan na ang National Bureau of Investigation (NBI) ang mga fingerprints nina suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at Chinese national na si Guo Hua Ping.

Maalalang hinihinala na ang pagkakakilanlan ni Guo Hua Ping at ng alkalde ay iisa, matapos matuklasan sa record ng Board of investments (BOI).

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Bagaman no-show si Mayor Guo sa pagdinig kahapon sa Senado, kinumpirma ni Senadora Risa Hontiveros na nagpadala na sila sa NBI ng request sa biometrics ng dalawang indibidwal.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Oras na mapatunayang na iisa lang ang kanilang pagkakakilanlan, inaasahang lalakas ang ebidensya na hindi tunay na Pilipino ang alkalde ng Bamban.