NBA, pinagmulta ang New York Knicks ng $25,000 dahil sa injury reporting

Pinagmulta ng NBA ang New York Knicks ng $25,000 dahil sa paglabag sa mga league injury reporting rules.

Hinggil ito sa pagkabigo ng Knicks na i-disclose ang katayuan ng 7-footer na si Mitchell Robinson bago ang kanilang pagpupulong sa Toronto Raptors noong Marso.

Tinanggal kasi ng koponan si Robinson sa kanilang lineup matapos itong ma-injure sa isang laro.

Samantala, balik court na ngayon si Robinson, kung saan naipanalo ng Knicks ang kanilang laro laban sa Raptors, na may final score na 145-101.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *