Indonesia, inaasahan ang pinakamalaking dagsa ng pasahero sa mga paliparan ngayong Eid al-Fitr

Milyun-milyong mga Indonesians ang naghahanda at nagsipuntahan na sa mga iba’t ibang bus stations, airports, at highways upang makauwi sa kanilang mga probinsya at igunita ang Eid al-Fitr ngayong araw kasama ang kanilang mga pamilya.

Inaasahan ng Transportation Ministry ang pinakamalaking paggalaw ng mga tao sa kasaysayan ng Indonesia, na maaring umabot ng 193 milyon, o halos 72% ng populasyon.

Mas maatas ito kumpara sa naitala ng bansa noong nakaraang taon na 124 milyon, o 46%.

Read More:  At least 27 killed after Fire engulfs beer hall in Thailand

Kinokonsidera ang Indonesia na sa isa sa mga bansang pinaka maraming Muslim na residente, kaya’t inaasahan na halos buong bansa ang makikiisa sa Eid al-Fitr ngayong araw.

###